^

Metro

CCTV giit ikabit sa mga banko at establishments

-

Iginiit ng Quezon City government sa mga bank owners na mag­lagay din ang mga ito ng close circuit cameras sa labas ng kanilang gusali upang ma­ka­iwas na mabik­tima ng mga sindikato ng bank robbery­.

Ayon kay Pacifico Maghacot, hepe ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), kailangang I-require sa mga bangko ang pag-iinstala ng CCTV cameras kahit sa labas ng kanilang mga gusali lalo na sa main entrance at park­ing space para sa mga kostumer upang maingatan ang kanilang negosyo sa mga nakawan.

Sinabi ni Maghacot na sa ga­nitong paraan, malaki ang maitu­tulong ng mga bangko sa mga pulis na maresolba ang mga insidente ng krimen at makilala ang mga kriminal na nanloloob sa mga ito.

Sinabi pa rin nito na ang pagla­lagay ng alarm system konek­tado sa himpilan ng pulisya ay epekti­bong paraan upang ma­iwasan na ma­biktima ng mga bank robbers sa lungsod.

Una rito, sa 95 bank establishments na nakarehistro sa BPLO ng QC, lahat ng mga ito ay may CCTV cameras sa loob ng banko at ATM faci­lities at 2 lamang dito ang walang CCTV cameras. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

CRUZ

IGINIIT

PACIFICO MAGHACOT

QUEZON CITY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with