GMA bibiyahe
Tatlong biyahe ang gagawin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa loob ng buwang ito, ayon kay Press Secretary Jesus Dureza kahapon. Unang dadalo ang Pangulo sa Global Leaders Crisis Summit sa New York, United States. Kasunod nito, magtutungo din siya sa Saudi Arabia at dadalo sa Asean Leaders Summit sa Chiangmai, Thailand gayundin sa Asia Pacific Economic Cooperation leaders forum sa Peru. (Rudy Andal)
Presyo ng abono inasahang bababa
Tiniyak ni Agriculture Secretary Arthur Yap na bababa ang presyo ng abono ngayong buwan ng Nobyembre bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng halaga ng produktong petrolyo sa merkado. Ayon kay Yap, kapag bumababa ang halaga ng produktong petrolyo, nagiging daan naman ito sa pagbagsak ng retail cost ng mga oil based fertilizers. Sa ngayon, ang presyo ng abono tulad ng urea ay may halagang P1,900 nitong nakalipas na Agosto hanggang Oktubre at ito ay inaasahang aabot na lamang sa halagang P1,400 o mas mababa pa dito ngayong buwang ito. (Angie dela Cruz)