^

Metro

Nakawan tataas sa X'mas season

- Joy Cantos -

Dahilan sa inaasahang pagtaas ng mga insidente ng nakawan sa panahon ng Kapaskuhan partikular na sa Metro Manila, palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga shopping malls at iba pang lugar na dinadagsa ng mamimili.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bar­ tolome na karaniwan at ina­ asahan na talaga ng PNP ang pagsasamantala ng masasamang elemento tulad ng mga holdaper, mandu­rukot, snatcher, mga Akyat Bahay gang sa tuwing papa­sok na ang kapas­kuhan.

Ayon kay Bartolome, may mga nakalatag ng security measures ang PNP upang mahadlangan ang posibleng pagtaas ng insi­dente ng mga nakawan.

Batay sa report, mistu­lang mga kabuteng nagsul­putan ang masasamang loob sa Metro Manila kung saan ay talamak ang holda­pan, bag slashing, pandu­rukot at iba pang petty crimes sa pag­pasok pa lamang ng ‘ber months’ lalo na kapag mala­pit ng mag­bonus at sumu­weldo ang mga empleyado.

Sinabi ni Bartolome na mas mabuting maging vigilante ang taumbayan at isagawa ang kaukulang pag-iingat para makaiwas na mabiktima ng masasa­mang elemento.

Kaugnay nito, sinabi naman ni NCRPO Chief Director Jefferson Soriano na mananatili sa full alert status ang buong puwersa ng kapulisan sa Metro Manila bilang paghahanda sa Christ­­­mas shopping.

Ayon kay Soriano mula sa mga sementeryo ay mga shopping center at panguna­hing pasilidad naman nga­yon ang babantayan ng NCRPO operatives.

AKYAT BAHAY

AYON

BARTOLOME

CHIEF DIRECTOR JEFFERSON SORIANO

METRO MANILA

NICANOR BAR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with