^

Metro

P44 rollback sa presyo ng LPG

-

Nagbaba ng P44 kada isang 11 kg na tangke o P4 kada kilo ng produktong lique­fied petroleum gas (LPG) ang dala­wang higanteng kompanya ng langis dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan. Sa pa­hayag kahapon ng mga taga­pag­­salita ng Shell na si Bobby Kanapi at Vir­ginia Ruivi­var ng Petron, epektibo ang rollback si­mula alas-12:01 ng madaling-araw nga­yon. Magbabawas din ang Petron ng P2.50 kada litro sa presyo ng ka­nilang auto LPG, karaniwang gina­gamit ng mga taxi.

Ayon sa mga tagapagsalita ng mga na­sabing kompanya, ang rollback sa presyo ng kanilang LPG ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng contact price nito sa world market na ngayon ay pumapalo na lang sa $804 kada metriko tonelada mula sa pinakamataas na $936.50 noong buwan ng Hulyo.

Samantala, nauna nang nagpahayag kamakalawa ang LPG Marketers Asso­ciation (LPGMA), dealer ng Omni, Pin­nacle, Sula, Cat at Nation Gas na magba­baba sila ng P3 kada kilo o kabuuang P33 kada 11 kg na tindang cooking gas. Dagdag pa ni Arnel Ty, presidente ng grupo na isang malaking rollback pa ang asahan ng consumers sa susunod na linggo. Kung masusunod naman ang kal­ku­lasyon ng Department of Energy (DOE), posibleng bumaba umano mula P100 hanggang P150 kada tangke ang presyo ng LPG hanggang sa unang buwan ng Disyembre dahil sa laki ng ibi­naba ng presyo nito sa world market.

Inaasahan naman na susunod din ang iba pang kompanya ng langis na ibaba ang kanilang tindang LPG dahil sa ginawang rollback ng Shell, Petron at grupong LPGMA. Dahil sa nasabing roll­back, naglalaro na lang ngayon sa P544 hanggang P603 ang presyo ng 11 kg na cooking gas. (Edwin Balasa, Angie dela Cruz at Rose Tesoro)

ARNEL TY

BOBBY KANAPI

DEPARTMENT OF ENERGY

EDWIN BALASA

KADA

MARKETERS ASSO

NATION GAS

PETRON

ROSE TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with