Willie Revillame nilooban: P3-M tangay

Nabiktima ng mga hi­nihinalang “Akyat-Bahay Gang” ang host ng pang-tanghaling programa sa telebisyon na “Wowo­wee” na si Willie Re­villame ma­tapos na ma­tangay ang aabot sa P3 milyong ha­laga ng mga alahas sa kanyang bahay sa loob ng isang exclu­sive sub­ division sa Quezon City.

Natuklasan lamang ni Revillame ang naganap na nakawan dakong alas-4 ng madaling-araw sa pagbalik nito sa kan­yang bahay sa Cameron Road, Corinthian Hills, Brgy. Ugong Norte ma­tapos magba­kas­yon sa Subic, Pam­panga.

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Quezon City Police Dis­­trict-Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa na­turang lugar kung saan nanga­ngalap na ng ebi­den­sya tulad ng finger prints sa kabahayan. Dis­mayado naman si Re­villame matapos na linisin na ng kanyang katulong ang bakas ng paa na na­kita nito sa kuwarto ng tv host nang una itong bu­ma­lik sa bahay nitong na­karaang Linggo.

Ayon kay Revillame, umalis siya ng bahay nitong hapon ng Nob­yem­­bre 1 at iniwan ang isang ka­tulong na si Andresa Wenceslao.

Natunton si Wences­lao dakog alas-3 ng hapon at kasamang pinigil ng pu­lisya ang kanyang boy­friend na si Danny Pa­campang. Itinanggi na­man ng mga ito na may kinalaman sila sa na­ganap na nakawan.

Pinasok ng mga mag­na­nakaw ang bahay sa pamamagitan ng pag­daan sa banyo sa likuran ng ba­hay at pagsira sa bintana nito.

Umaabot sa 15 hang­gang 17 mamahaling relo na koleksyon ni Re­villame ang natangay ng mga suspek. Nagtataka rin ito kung paano nala­man ng mga magnana­kaw ang kinalalagyan ng susi ng kanyang apara­dor at ang kumbinasyon ng kanyang padlock.

Galit naman si Re­villame sa seguridad ng naturang subdibisyon dahil sa napakamahal na ibina­bayad nila na monthly dues para sa bayad sa security guards at napaka­mahal na in­ vest­ment sa bahay na aabot sa hala­gang P55 milyon. Hindi na umano niya ito pinalagyan ng grill ang mga bintana dahil sa pagiging kam­pante sa seguridad ng de-kalidad na subdibisyon.

Kasalukuyan namang pinoproseso ng pulisya ang nakuha nilang finger prints sa bahay habang na­katakdang ipatawag ang opisyales ng agency para alamin kung nasa­sala nilang mabuti ang ka­nilang mga inire­reko­menda.

Show comments