Inutos kamakailan ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ang pagdadagdag sa bonus ng mga empleyado ng pamahalaang-lunsod para sa kapaskuhan.
Kaugnay nito, halos P1,000 hanggang P2,000 ang madadagdag sa Christmas bonus ng mga empleyado kumpara sa natanggap nila noong nakaraang taon.
Inaasahang matatanggap nila ito bago lumagpas ang Disyembre 1.
Kasama rin sa mabibigyan ng bonus ang mga contractual employees ng pamahalaang-lunsod.
Samantala, pinalawig ng pamahalaang-lunsod ang educational assistance sa 350 kabataang nangangailangan ng espesyal na proteksyon para tuluyan silang makisalamuha sa lipunan.
May P5 milyon ang inilaan para sa programa na nagkakaloob ng P1,500 allowance kada buwan sa loob ng 10 taon sa bawat bata na karamihan ay mga palaboy, biktima ng pang-aabuso at nagkasala sa batas.