^

Metro

Pagbabawal sa pangalan ng pulitiko sa billboard hingi

-

Iginiit ni dating Philippine Trial Lawyers Association President at Integrated Bar of the Philippines Governor Atty. Jose Icaonapo Jr., ang pagba­bawal sa mga pulitiko na maglagay ng kanilang mga pangalan sa mga billboard ng government projects.

Ayon kay Icaonapo, nagsisilbing panganib sa mga motorista ang nagla­lakihang mga billboard ng mga government projects kung saan nakalagay din ang pangalan ng mga pulitiko.

Aniya, sa Metro Manila, karamihan sa mga government projects kung saan nakalagay din ang mga pangalan ng mga pulitiko ay nakasabit sa mga poste ng kuryente na may dalang panganib sa mga pedestrian at moto­rista.

 Maging sa panahon ng tag-ulan, nananatili ang panganib ng mga billboard dahil maaari itong bumag­sak sa mga kabahayan kung saan kadalasang may nagbubuwis ng buhay.

Nakakatawa din uma­nong isipin na mas malaki pa ang halaga ng billboard kumpara sa proyekto na   kadalasang hindi naman napakikinabangan ng mas nakararami.

 Nililito din ng mga billboard ang publiko dahil ipinakikita nito na ang government projects ay mula sa kanilang mga sariling pondo na wala naman uma­nong sapat na katoto­hanan. Ang mga government projects ay mula din sa pondo ng pamahalaan. (Doris Franche)

ANIYA

DORIS FRANCHE

GOVERNOR ATTY

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOSE ICAONAPO JR.

METRO MANILA

PHILIPPINE TRIAL LAWYERS ASSOCIATION PRESIDENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with