Shoplifter tiklo

Dahil sa malaking pag­kakabukol sa bey­wang, nabuking ang pag­sa-shoplift ng isang 13 anyos na binatilyo ng isang tsokolate na nag­kakahalaga ng P3,746.00 sa isang kila­lang mall kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ipinoproseso na ng Manila Police District Station 3 na mailipat sa Department of Social Welfare and Development ang suspek na itinago sa pa­ngalang “Bugoy”, out of school youth at residente ng Bohol St., Sampaloc, Maynila.

Bunga ito ng pormal na paghahain ng reklamo ni Sydney Lacerna, clerk, kumakatawan sa Super­value Inc. ng SM San Lazaro, Sta. Cruz.

Nabatid na malapit nang magsara ang mall nang mapansin ng isang guwardiya ang papalabas na suspek dahil sa mala­king nakabukol sa bey­wang nito na natatakpan ng T-shirt.

Lalo pang nagtaka ang sekyu nang malaglag ang ilang piraso ng Cadbury chocolates kaya agad siyang kinompronta   at nadiskubre ang mga tso­kolateng kinuha nito na umaabot sa 15 piraso ng malalaking bar ng Cad­bury. (Ludy Bermudo)

Show comments