Nakaapak, ginulpi

Gulpi ang inabot ng isang binata nang matapa­kan niya ang paa ng isa sa mga suspek sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Malabon City ka­hapon ng madaling-araw.

Pasa, black eye at bukol ang inabot ni Jay-Ar Lagmay, 27 anyos, ng Leo­nio St., Tañong ng lungsod.

Nasakote naman sina Ryan Valenzuela, 20; Dean Carlo Marcelo, 18; at Christian Concepcion, 19 pawang mga residente ng David Santos St., ng lung­sod na ito.

Pasakay ng pampasa­herong jeep si Lagmay sa Sevilla Boulevard pero natapakan niya ang paa ni Valenzuela na ikinagalit nito.

 Pinagtulungan ng mga suspek ang biktima bago tumakas subalit humabol at nakahingi ng tulong si Lagmay sa mga nagpapa­trul­yang pulis na naging dahilan upang dakpin ang mga una. (Lordeth Bonilla)

Show comments