Makulit, sinaksak

Isang binata ang ma­lubhang nasugatan nang saksakin ng kanyang bayaw na nakulitan sa kanya sa Caloocan City kahapon.

Ginagamot sa East Ave­nue Medical Center sanhi ng saksak sa tiyan si Henry Lee, 32, ng Doña Ana Sub­di­vision ng lungsod na ito.

Nadakip naman ang bayaw niyang si George Amaro, 29, na kapitbahay ng biktima.

 Lasing ang biktima nang pumunta sa bahay ng suspek upang kom­pron­tahin dahil sa matagal nilang alitan.

 Nakulitan ang suspek na naging dahilan ng ka­nilang pagtatalo hang­gang sa kumuha ng pata­lim ang una at undayan ng saksak ang biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments