Isang 67-anyos na lolo ang nasawi nang barilin sa loob ng kanyang tahanan ng isang hindi nakikilalang suspek habang siya ay nagpapahinga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktimang si Jose Galvan ng #123 Sta. Cruz Compound, Bagumbong ng nabanggit na lungsod. Nagpapahinga si Galvan sa loob ng bahay nang bigla na lamang dumating ang salarin at walang sabi-sabing pinaputukan ang matanda na kaagad na ikinasawi nito. (Lordeth Bonilla)