^

Metro

Ayaw magpautang ng alak, binoga

-

Dahil sa pagtangging magpautang ng alak, isang 40 anyos na may-ari ng isang sari-sari store ang pina­sabog ang bungo nang barilin ng isang lalaking na­bigong makainom ng alak kamakalawa ng gabi sa Baseco, Port Area, Maynila. Agad na nasawi ang bik­tima na si Roberto Buisa, residente ng WMC, Block15 Gasangan, Baseco dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa salaysay ng live-in partner ni Buisa na tinukoy lang sa alyas na “Cora”, narinig niya ang pagtanggi ng biktima sa pangungutang ng alak ng suspek.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig niya ang putok ng baril mula sa tindahan kaya inalam niya ito at doon natuklasang nakahandusay sa loob ng kanilang tindahan ang biktima at umaagos ang dugo sa ulo. (Ludy Bermudo)

BASECO

BUISA

GASANGAN

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NIYA

PAGKARAAN

PORT AREA

ROBERTO BUISA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with