^

Metro

Presyo ng cooking gas ibababa nang P150?

-

Matapos ang “big-time” rollback sa presyo ng produktong petrolyo ay asahan ang isa na na­mang maagang Pa­mas­ko sa taumbayan mata­pos na ianunsyo kaha­pon ng Department of Energy na bababa ng hanggang P150 kada 11 kilo­gram ang presyo ng liquefied petroleum gas.

Sa panayam ka­hapon kay Energy Under­sec­retary Zenaida Monsada, sinabi nito na sa laki ng ibababa ng contract price ng LPG sa pandaigdi­gang pa­milihan ay uma­abot ang komputasyon ng DOE na maaaring mag­baba ng mula P100 hang­gang P150 ang pres­yo ng 11 kg. na tang­ke ng cooking gas.

Dagdag pa nito na ba­gamat malaki ang ibi­na­ba ng contract price nito sa world market ay hindi kaagad ito magre-reflect sa kasalukuyang presyo at gagawin ang rollback ng biglaan.

“Yung experience natin, ini-spread nila sa adjustment in one month. Huwag natin asahan na unang araw pa lang ng November mag-reflect agad ang presyo. Sa LPG di gaano kalaki ang in­ventory nila, di yan aabot, mga one month maxi­mum,” saad ni Monsada.

Sa datos ng DOE, uma­abot na lang sa $804 kada metriko tonelada ang presyo nito sa nga­yon mula sa pinaka­mataas na $936.50 kada metriko tonelada noong buwan ng Hulyo.

Samantala nauna ng nagpahayag kahapon ang Liquigas na magba­baba sila ng P3 kada kilo o P33 sa 11 kg. na tangke sa kanilang tindang LPG.

Inaasahan namang sa Lunes ay ang grupong LPG Marketers Associa­tion ang magsasagawa ng kanilang rollback su­balit hindi pa nila ina­anunsyo kung magkano ang kanilang ibababa sa kanilang tindang cooking gas. Ang LPGMA ang dealer ng Pinnacle, Sula, Cat, Omni, Nation at Island Gas.

Sa ngayon ay nagla­laro ang presyo ng 11 kg na tangke ng LPG mula P588 hanggang P647.

Samantala, may tat­long linggo pa umano bago magkakaroon ng rollback sa presyo ng tinapay.

Ang nasabing pa­hayag ng mga panadero ay matapos i-anunsiyo ng mga flour millers na P940 na lamang ang kada-sako ng harina.

Ayon kay Simplicio Umali Jr., presidente ng Philippine Baking In­dustry Group, nakabili na sila ng stock ng harina bago pa man ang nasa­bing anunsiyo kung saan magagamit lamang uma­no nila ang “discounted flour” sa loob ng tatlong linggo.

Sa nasabing rollback sa presyo ng harina, sing­kuwenta sentimos ang ibababa sa kada-piraso umano ng loaf bread at 25 centavos naman sa pandesal.

Sinabi rin ni Umali na hihintayin muna nilang madagdagan ang roll­back bago ipatupad ang pagbawas sa presyo ng tinapay para mas ma­ram­daman ito ng mga consumers. (Edwin Ba­lasa at Rose Tamayo-Tesoro)

DEPARTMENT OF ENERGY

EDWIN BA

ENERGY UNDER

ISLAND GAS

MARKETERS ASSOCIA

PHILIPPINE BAKING IN

PRESYO

ROSE TAMAYO-TESORO

SAMANTALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with