^

Metro

Maid ginahasa ng negosyante sa banyo

- Ni Ludy Bermudo -

Isang 35-anyos na katulong ang naghain ng reklamo sa Manila Police District laban sa isang negosyanteng Intsik na kaibigan ng kaniyang amo ma­tapos umano siyang gahasain nito sa loob ng isang banyo.

Batay sa salaysay ng biktimang itinago sa pangalang “Christine”, isang Jerry Lim alyas “Angkong,” 53-anyos, resi­dente ng Room 505, CDC Building sa #688 Lavezares St., Binondo, May­nila ang pwersahang gumahasa sa kanya.

Ang insidente ay naganap sa loob ng banyo ng kaniyang pinaglilingkuran noong Oktubre 29, 2008 dakong alas- 9:30 ng gabi sa Room 403 ng #607 Caballeros St., Binondo.

Ayon sa biktima, kaaalis pa lamang ng kanyang among si Joey Chen ka­sama ng anak nito kaya mag-isa siya sa bahay nang dumating ang suspek.

Binuksan niya ang pintuan nang du­ma­ting ang suspek at bigla na lamang siyang hinawakan at kinaladkad pa­tungo sa CR at doon ay pinagha­halikan siya sa labi, hinawakan ang kan­yang ka­selanan at nagkapunit-punit ang kanyang shorts sa pwersa ng suspek. Naihiga umano siya sa semento ng banyo at doon isinakatuparan ang paglugso umano sa kaniyang puri.

Matapos makaraos ang suspek ay tumakbo siya sa kusina upang kumuha ng kutsilyo subalit mabilis na tumakas ang lalake habang nagbibihis.

Habang papatakas ay hinagisan pa siya ng P500 sabay sabi ng suspek na “Mangsi yaya mangsi” na patuloy nitong sinasabi habang tumatakbo.

Nang isumbong ng biktima sa kan­yang amo ang ginawa ng kaibigan nito ay nagalit ito at pinagsabihan siya na huwag nang pagbuksan pag pumunta muli ang suspek. Hindi rin siya pinaya­gang dumulog sa pulisya.

Nagawa lamang maghain ng rekla­mo ng biktima nang makausap sa cell­phone ang isang kamag-anak na su­mundo sa kanya sa bahay ng amo.

Mabilis namang nadakip ng mga tauhan ni P/Supt. Nelson Yabut, hepe ng station 11 sa isinagawang follow-up ope­ration ang suspek dakong alas-11 ng gabi noong Oktubre 30 nang ma­mataan sa kalye Lavezares sa Binondo.

vuukle comment

BINONDO

CABALLEROS ST.

JERRY LIM

JOEY CHEN

LAVEZARES ST.

MANILA POLICE DISTRICT

NELSON YABUT

OKTUBRE

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with