^

Metro

Illegal recruiter arestado

-

Nahaharap sa kasong large scale estafa ang isang illegal re­cruiter makaraang mabigong tupa­rin nito ang pangako sa kan­yang mga kliyente na makapag­ trabaho sa ibayong-dagat ka­palit ang malaking halaga ng salapi. Halos hindi maawat sa galit ang 18-biktima nang ma­sa­kote sa loob mismo ng Pasay City Hall ang suspect na kinila­lang si Marites Cabbab, 35, ne­gos­yante, may-ari ng Irrasha Image Travel Consultancy Ser­vices na nasa 10 F.B. Harrison Mansion Condominium, Pasay City.

Ayon sa reklamo ng mga bik­tima, una umano silang ina­lok ng suspect para magtra­baho bilang waiter at waitress sa isang malaking hotel sa Macau, China. Hiningan umano sila ng suspect ng P30,000-P60,000 kada aplikante para sa process­ing fee, plane ticket at iba pang gastusin sa pagpalakad ng mga dokumento. Dahil sa kagustu­hang makapagtrabaho sa ibayong-dagat, hindi na nag-verify pa sa POEA ang mga bik­tima upang alamin kung legal ang ahensya ng suspect kung kaya’t nagbigay ang mga ito ng malaking halaga sa huli. Nitong nakaraang October 27, 2008, muling nangako umano ang suspect na ibibigay na sa mga biktima ang plane ticket pero hindi na ito nagpakita pa hang­gang sa matiyempuhan ito ka­hapon at maaresto. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

DAHIL

HARRISON MANSION CONDOMINIUM

HININGAN

IRRASHA IMAGE TRAVEL CONSULTANCY SER

MARITES CABBAB

PASAY CITY

PASAY CITY HALL

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with