^

Metro

Mga paputok winalis sa Maynila

-

Winalis ng Manila Police District-Station 11 ang mga nag­bebenta ng firecrackers at pyro­technics sa erya ng Binondo, sa Maynila na nagresulta sa pagkumpiska ng may kabuuang P20,000 halaga ng produkto, sa ulat kahapon. Sinabi ni P/Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD Station 11, agad niyang ina­tasan ang mga tauhan na hulihin at kumpiskahin ang mga iligal na nagbebenta ng paputok batay sa sumbong na naka­rating sa kanila.

Bandang alas-10:30 ng umaga, kamakalawa nang isi­na­gawa nila ang mga pagsa­lakay sa Camba St. malapit sa N. de Santos St. sa Binondo. Agad na ring sinampahan ng reklamong paglabag sa Re­public Act 7183 o illegal selling and disposing of prohibited firecrackers and pyrotechnics ang mga vendor.

Magugunitang nagsagawa ng inspeksiyon ang Bureau of Fire Protection, De­partment of Trade and Industry (DTI) at MPD laban sa mga iligal na paputok, mga produktong walang international commodity clearance tulad ng Christmas lights upang hindi mabili ng publiko. (Ludy Bermudo)

BANDANG

BINONDO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMBA ST.

LUDY BERMUDO

NELSON YABUT

SANTOS ST.

SHY

TRADE AND INDUSTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with