20 high-powered na baril nawala sa Quezon City hall
Isinailalim na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) sa imbestigasyon ang ilang mga opisyales at empleyado ng Quezon City hall kaugnay ng pagkawala ng nasa 20 matataas na kalibre ng baril may isang buwan na ang nakakalipas.
Kabilang sa mga pinagpapaliwanag sa utos ni Mayor Feliciano Belmonte ang hepe ng General Services Offices ng city hall na si Rolando Montiel na inako ang responsibilidad dahil sa kakulangan niya ng regular na imbentaryo sa mga naka-stock na armas.
Sinabi nito na maituturing ngayon na isa siya sa mga suspek at maging ang kanyang mga tauhan na security guard ng city hall.
Nabatid na noon pang nakaraang buwan natuklasan ang pagkawala ng 18 M-16 armalite rifles at 2 shotguns ngunit ngayon lamang ito pumutok. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending