Nabigo ang may 131 dayuhan kasama ang mga militanteng grupo na magsagawa ng kilos-protesta sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan kasalukuyang isinasagawa ang Global Forum on Migration and Development.
Hindi halos naka-porma ang nabanggit na mga raliyista makaraang agad na barikadahan ang mga ito ng anti-riot team mula sa National Capital Region Command.
Napag-alaman na ang nasabing mga dayuhan na nagmula pa sa 25-bansa ay nagsimulang mag-martsa kasama ng mga militanteng grupo mula sa Quirino Avenue at patungo sana ang mga ito sa PICC upang i-protesta ang nagpapatuloy na pagpupulong.
Nabatid na kahapon ay dumalo na sa pagpupulong sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at si United Nations Secretary-General Ban Ki-Moon. (Rose Tamayo-Tesoro)