2 holdaper na parak, timbog

Dinakma ng kanilang kabaro ang dalawang pulis na diumano’y res­pon­sable sa serye ng panghoholdap sa Bi­nondo, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Nakilala ang mga suspect na sina PO2 Faus­tino Centeno, 39, naka­ta­laga sa MPD-District Mobile Patrol Unit at PO3 Joey Ricardo, 41.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ng arestuhin ang dalawa sa panulukan ng Regina Regente at Soler Sts., Binondo, sa Maynila.

Nabatid na inireklamo ng Chinese Community ang dalawa na sangkot diumano sa serye ng hol­dapan sa Binondo.

Bukod sa reklamo ng Chinese community, ingi­nuso rin ang dalawa ng pedicab driver na sang­kot umano sa pang­ho­holdap sa lugar at na­ka­suot pa umano ng uni­porme.

Dinakip ang dalawa habang nakasuot ng uniporme at nabuko din sa interogasyon na si Ricardo ay hindi na aktibong pulis habang si Centeno ay walang ma­ipakitang dokumento o clearance sa bitbit na­baril.

Show comments