^

Metro

Advertising agency nilooban

-

Nilooban ng walong armadong lalaki ang isang advertising agency na natangayan ng ’di pa batid na halaga ng salapi matapos na igapos ang limang empleyado nito sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.   

Ang mga biktima ay nakilalang sina Sincerely Ordoñez, 39, Operations Manager; Adriano de Guia, 33, ware­house boy; Jiger Decaion, 30, houseboy; Marife Jomalon, 34, dalaga at Maritess Decaion, 26, kapwa maid at pawang mga empleyado ng Cozos Link Agency. 

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang walong ’di kilalang suspect na pawang armado ng mga baril at patalim. Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa loob ng Cozos Link Agency na matatagpuan sa #1102 Concha St., malapit sa P. Ocampo St., sa Malate. 

Batay sa salaysay ng mga biktima, bago ang panghoholdap ay may ku­matok umano sa pintuan ng kanilang tanggapan kaya’t pinagbuksan umano siya ni Decaion. 

Laking gulat naman ng katulong dahil kaagad itong tinutukan ng baril ng isa sa mga suspect bago sunud-sunod na magpa­sukan ang ibang kasamahan at ilan ang naiwan sa labas upang magsilbing look-out.

Pagpasok sa loob ng opisina, tinutukan din ng baril at mga patalim ang mga empleyado at isa-isang iginapos ang mga ito bago hinalughog ang mga kagamitan sa loob at tinangay ang hindi pa mabatid na halaga. (Ludy Bermudo)

CONCHA ST.

COZOS LINK AGENCY

JIGER DECAION

LUDY BERMUDO

MARIFE JOMALON

MARITESS DECAION

OCAMPO ST.

OPERATIONS MANAGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with