^

Metro

OFW nakursunadahan, inatado

-

Isang kararating-rating pa lamang na Overseas Filipino Worker (OFW) ang hindi na nagawa pang mahanap ang kanyang kapatid na babae makaraang makursuna­dahang at ataduhin ng tatlong kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Las Piñas Medical Center bunga ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan ang biktimang si Noli Cris dela Cruz, 30, residente ng Sta. Cruz, Manila.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspect na kinilalang sina Raymond Montejo, alyas “Emong”, 24; Rolando Irazo, alyas “Estong” at isang hindi pa nakikilalang kasamahan ng mga ito, pawang mga residente ng Factor Com­pound, Almanza 1, Las Piñas City na sabay-sabay na tumakas dala ang patalim na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Roland Abraham, may hawak ng kaso, dakong alas-10 ng gabi nang mang­yari ang nasabing insidente sa Factor Com­­pound, Zapote-Alabang Road, Al­manza Uno ng nabanggit na lungsod.

Ayon pa sa ulat, hinahanap ng biktima ang bahay ng kanyang kapatid na si Nelmar dela Cruz, 32, na nakatira sa na­banggit na lugar nang unang makasa­lu­bong nito ang suspect na si Irazo. Sa pag­­ ha­­­hanap, sinadyang bungguin umano ng suspect ang biktima na nauwi sa ma­initang pagtatalo pero naawat ito ng bayaw ng una. Agad namang umuwi si Irazo at nang bumalik ay kasama na nito si Mon­tejo at isang lalaki na pawang armado ng patalim at agad na pinagtulu­ngang pagsa­saksakin ang biktima na nag­resulta sa kamatayan nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

CRUZ

FACTOR COM

IRAZO

LAS PI

MEDICAL CENTER

NOLI CRIS

OVERSEAS FILIPINO WORKER

RAYMOND MONTEJO

ROLAND ABRAHAM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with