Big-time rollback, giit ipatupad

Bunga ng malaking pag­bagsak ng presyo ng langis sa world market, iginiit kahapon ng Depart­ment of Energy (DOE) na dapat magkaroon ng “big-time rollback” sa mga pro­­duktong petrolyo nga­yong Disyembre.

Gayunman, tumanggi naman si Energy Under­sec­retary Zenaida Mon­sada na magbigay ng figure kung magkano ang posibleng rollback na hini­hingi ng ahensiya. Pero giit nito na dapat mahigit ito sa P1 kada-litro at ka­ila­ngan umanong ma­ram­daman sa local market ang pagbagsak ng presyo ng langis sa inter­national market.

“Wala silang (oil com­panies) commitment sa amin pero ’yan ang nakita naming commitment. Da­pat ma-reflect sa lokal ang presyo sa international. Pa­nahon na para mas ma­­laki ang asahan natin,” pahayag ni Monsada.

Inamin naman ni Mon­sada na mahirap magbi­gay ng estimate kung mag­­kano ang rollback dahil sa “deregulated” o hindi kon­trolado ng pa­mahalaan ang oil industry. Matatan­da­ang kama­kalawa ay pumalo sa pa­ni­bagong record low ang halaga ng langis sa world market.

Ang Brent crude ay uma­abot na lamang sa $59 kada-bariles kung saan nitong nakaraang Hulyo naman ay unang uma­­bot sa $147 ang presyo ng langis.

Show comments