Bala para sa anak, sinalo ng ina

Patay agad ang isang ina nang ipanangga niya ang kanyang katawan sa kanyang 20-anyos na da­lagang anak nang pagba­barilin sila ng dalawang ar­ma­dong lalaki na pawang sakay ng isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Zenaida Gino, 40, negosyante at resi­dente ng B.F Homes, Pa­ra­ñaque. Agad siyang na­sawi dahil sa maraming tama ng bala mula sa hindi pa nababatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Agad namang dinala sa Parañaque Medical Center ang anak ng bik­tima na si Monique, nursing student, makaraang madaplisan ng bala sa katawan.

Nag-uusap ang mag-ina sa labas ng isang bar nang biglang dumating ang dalawang armadong kalalakihan na pawang sakay ng isang motorsiklo na walang plaka at agad na pinaulanan ng bala ang mga una.

Bunga ng nasabing insidente ay ginawang pa­ nangga umano ng ginang ang sarili upang iligtas ang buhay ng anak na naging sanhi naman upang aga­ran itong ma­sawi. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments