Talipapa inararo, 3 patay

Tatlong katao ang nasawi nang araruhin ng isang pampasaherong jeep na nawalan umano ng preno sa isang tali­papa kamakalawa ng gabi sa Payatas, Quezon City.

Agad na nasawi ang 42-anyos na si Nenita Naguit habang nalagutan ng hininga sa loob ng New Era General Hospital ang paslit na anak nitong si Cassandra Fate. Namatay rin habang nila­lapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center si Grace Morte, 28-anyos, residente ng Barangay Lupang Pa­ngako, Payatas.

Nakilala naman ang mga sugatan na sina Roel Naguit, asawa at ama ng nasawing mag-inang Naguit; Jessa Morte; Matthew Williams, Eva at Pamela Pena­renda.

Nadakip at nasa kus­todiya ngayon ng Que­zon City Traffic Sector 5 ang driver ng pam­pa­saherong jeep na si Wilfredo Besera, 36-anyos, residente ng Phase 1 Sorsogon street, Payatas B.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Marcelo Sabado, sinabi ni Besera na tina­tahak niya ang pababang bahagi ng kalsada sa Lupang Pangako nang mawalan siya ng preno. Hindi na nito nakontrol ang jeep sanhi upang diretsong suyurin ang mga taong namimili sa isang talipapa. Huminto la­mang ang jeep nang bu­mang­ga ito sa puno ng isang mangga.

Nakatakdang sam­pahan ngayon ng kasong rekless imprudence resulting to multiple homicide at multiple frustrated homicide si Besera.

Show comments