^

Metro

Surprise inspection uli sa Quezon City jail

-

Isa na namang sorpre­sang inspeksiyon ang isi­na­gawa ng mga awtoridad sa Quezon City jail kung saan muling nakasamsam ng mga panaksak at iba pang kontrabando, ka­hapon ng umaga.

Sinasabing ilang piraso ng mga appliances tulad ng television, DVD, radio, at iba’t ibang uri ng panaksak at kahit malaking halaga ng pera ang natag­puan sa isi­nagawang labing-limang minutong inspeksiyon sa mga selda ng QCH in­mates. Ang isinagawang sor­pre­sang inspeksiyon na pinangunahan ni Metro Manila jail head Chief Supt. Serafin Barretto Jr, ay pa­ngalawa na simula noong Oktubre 12, nang magsa­gawa ng inspeksiyon dito ang bagong Quezon City jail warden na si Supt. Emilio Culang Jr.

Ang naunang inspek­siyon ay nasamsam ang ma­higit sa 200 sachets ng marijuana at methamphe­tamine hydrochloride o shabu at mga deadly weapons. Kapwa isinisi nina Barretto at Culang sa paki­kipagsabwatan o sim­pa­tiya ng ilang tiwaling ka­ wani ng QCJ na sina­sa­bing ma­luwag sa mga preso ang dahilan ng pa­tuloy na pag­kakaroon ng mga kontra­bando sa mga selda dito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BARRETTO

CHIEF SUPT

CRUZ

EMILIO CULANG JR.

METRO MANILA

QUEZON CITY

SERAFIN BARRETTO JR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with