^

Metro

Robo cop 'Mac', inspector na

-

Natatandaan ba ninyo si “MAC” (Mechanical Anti-terrorist Concept) ang anti-bomb robot na ipinakikilala ng Makati City Police.

Ganap ng robo cop si “MAC” matapos itong big­yan ng ranggong Inspector ni PNP Chief Director Gene­ral Jesus Verzosa ka­ugnay ng pinalakas na anti-terrorism campaign.

Si MAC ay personal na iprinisinta kahapon ni Makati City Police Chief Sr. Supt. Gilbert Cruz kay Verzosa sa Camp Crame na nagpakitang gilas sa pagdampot at pag-detect ng isang granada sa harapan ng mediamen.

Ayon kay Verzosa si Inspector MAC   ay imben­syon ng mga engineering student ng Mapua Institute of Technology bilang ‘bomb disposal at mecha­nical tool’ na nagwagi ng Gold Medal Award sa kata­tapos na 1st World Cup on Com­puter Implemented Inven­tions sa China.

Sinabi ni Verzosa na ma­laki ang maitutulong ni Inspector MAC sa pagtu­koy ng anumang uri ng eks­plosibo upang masupil ang banta ng terorismo.

Nabatid naman kay Cruz na aabot sa P400,000 ang ginasta para mabuo ang nasabing anti-bomb robot na maliban sa Ma­kati City ay puwede rin nilang ipahiram sa iba pang mga himpilan na maaring ma­nga­ilangan sa serbisyo ni Insp. MAC. (Joy Cantos)

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENE

GILBERT CRUZ

GOLD MEDAL AWARD

IMPLEMENTED INVEN

JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE CHIEF SR. SUPT

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with