Lisensiya ng mga kaskaserong drivers pinakakansela

Inatasan ni Department of Transpor­tation and Communication (DOTC) Sec­retary Leandro Mendoza si Land Trans­portation Office (LTO) Chief Alberto Suan­sing na kanselahin ang lisensiya ng mga driver na sangkot sa naganap na aksi­dente sa Edsa kung saan isang doktor ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan.

Kasabay nito, agad nagsagawa ng inspection kahapon ng madaling-araw ang LTO traffic enforcers na pinamunuan mismo ni Suansing at tinikitan at hinuli ang may 40 mga sasakyan sa Edsa dahil sa over-speeding at iba pang paglabag sa batas trapiko.

Binanggit ni Suansing na base sa mga inisyal na imbestigasyon, naging pabaya ang mga sangkot na driver parti­kular na ng Joanna Bus dahil sa pagiging kaska­sero at pagkakakarera ng mga ito na naging sanhi ng madugong aksidente.

“Ang driver na nakapatay dahil sa pagi­ging kaskasero at kapabayaan sa pagma­maneho ay habambuhay nang hindi maka­kakuha ng lisensiya. Sa mga hindi pa nakakaalam, ang lisensya sa pagma­maneho ay pribelihiyo na binibigay ng gobyerno. ’Di karapatan ang magka­ka­roon ng lisensya kapag na-revoke na ito,” pahayag ni Suansing. (Angie dela Cruz)

Show comments