Isang bagong silang na sanggol na tinatayang may 5 oras pa lamang na patay ang natagpuan sa kumpol ng basura sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi nang madiskubre ng isang Rolando Agoc, street sweeper, sa kumpol ng basura ang isang kahon na naglalaman ng bangkay ng sanggol, sa panulukan ng Muelle at Jaboneros Sts., Sto. Cristo, Binondo, Manila. Aminado si Agoc na pinag-interesan niya kung ano ang laman ng kahon subalit tumambad sa kanya ang patay na sanggol. Malambot pa ang katawan nito kaya pinaniniwalaang bago pa lamang ito naisilang. (Ludy Bermudo)