Dumistansya kahapon ang mataas na opisyal ng Southern Police District Office kaugnay sa direktiba ng hepe ng Philippine National Police na nagbabawal na magbigay sa media men ng mga spot report ng mga nagaganap na krimen sa mga lugar na nasasakupan.
Kasabay nito, mariing itinanggi ni Ms. Rose Lara, spokeswoman ng SPD, na mayroong ipinalabas na direktiba si SPD Director Supt. Jaime Calungsod mula kay PNP chief Director General Jesus Verzosa para pagtaguan ang media na makakuha ng mga spot reports sa mga lugar na pinangyayarihan ng krimen.
Sa ipinahatid na mensahe ni Supt. Calungsod, nais umano niyang makipag-ugnayan sa media kasama ang lahat ng hepe ng pulisya sa anim na lungsod ng SPD upang magkaroon ng “harmony” sa pagitan ng media at pulis. (Rose Tamayo-Tesoro)