Isang musical director ng isang relihiyosong grupo ang inaresto at ikinu long ng mga awtoridad dahil sa umano’y panghahalay sa dalawang binatilyo sa Navotas kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alfredo Molina, 47, isang born-again Christian, ng Tu gatog, Malabon City.
Nagroronda bandang alas-10:30 ng gabi ang mga barangay tanod sa L.R. Yangco St. sa naturang lungsod nang mapansin nila ang mga anino sa isang nakaparadang pampasaherong jeep.
Nang lapitan ng mga tanod ang jeep ay inabutan ng mga ito ang suspek habang halinhinan umanong “isinusubo” ang ari ng dalawang 13-anyos na binatilyo.
Dahil dito, agad na inaresto ang suspek pati na ang dalawang binatilyo saka dinala sa presinto ng pulisya.
Siya ay inireklamo sa tanggapan ng Women’s Children and Concerned Desk ng Navotas ng mga magulang ng mga batang itinago sa mga pangalang Rolan, at Romy, pawang taga-Bagong Bayan North sa lungsod dahil sa ginawa nitong kahalayan sa mga huli.
Kasong rape o paglabag sa Republic act 7610 o child abuse ang kinakaharap ngayon ng suspek.