^

Metro

2 tinedyer hinalay ng musical director

- Nina Rose Tamayo-Tesoro At Ricky Tulipat -

Isang musical director ng isang relihiyosong gru­po ang inaresto at ikinu­ long ng mga awtoridad dahil sa umano’y pangha­halay sa dalawang bi­natilyo sa Navotas kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang sus­pek na si Alfredo Molina, 47, isang born-again Christian, ng Tu­ gatog, Malabon City.

Nagroronda bandang alas-10:30 ng gabi ang mga barangay tanod sa L.R. Yangco St. sa naturang lung­sod nang mapansin nila ang mga anino sa isang naka­para­dang pampasaherong jeep.

Nang lapitan ng mga tanod ang jeep ay inabutan ng mga ito ang suspek habang halin­hinan umanong “isinusubo” ang ari ng dalawang 13-anyos na binatilyo.

Dahil dito, agad na ina­resto ang suspek pati na ang dalawang binatilyo saka dinala sa presinto ng pulisya.

Siya ay inireklamo sa tang­gapan ng Women’s Children and Concerned Desk ng Na­votas ng mga magulang ng mga batang itinago sa mga pangalang Rolan, at Romy, pawang taga-Bagong Bayan North sa lungsod dahil sa ginawa nitong kahalayan sa mga huli.

Kasong rape o paglabag sa Republic act 7610 o child abuse ang kinakaharap nga­yon ng suspek.

vuukle comment

ALFREDO MOLINA

BAGONG BAYAN NORTH

CHILDREN AND CONCERNED DESK

DAHIL

ISANG

KASONG

MALABON CITY

SHY

YANGCO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with