Nagsosyo kay mister, nagsama sa selda
Dahil sa iisang lalake, kapwa nakulong sina Susan Delima, 36 anyos, ng Barangay Tañong, Malabon City, at Melinda Saraga, 18, dalaga, ng Barangay Bangkulasi, Navotas City.
Nagtagpo, nag-away at nagkasabunutan sa harapan pa ng presinto ng Malabon City Police sina Delima at Saraga kamakalawa ng gabi.
Sinasabi sa ulat ng pulisya na nobya umano si Saraga ng mister ni Delima bagaman hindi nabanggit ang pangalan ng lalake.
Sinabi ni PO2 Rommel Habig na nagsabunutan sina Delima at Saraga sa harapan ng presinto bandang alas-7:10 ng gabi kamakalawa makaraang magkatagpo ang dalawang babae.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo at palitan ng maa anghang na salita ang dalawa dahil sa umano’y pang-aagaw ni Saraga sa asawa ni Delima hanggang sa magkasabunutan na sila.
Sinabi ni Habig na ayaw magpaawat ang dalawang babae kaya napilitan siyang arestuhin ang mga ito at ikulong.
Kapwa sinampahan ng kasong alarm and scandal ang dalawang babae na ngayon ay nagsososyo sa iisang kulungan.
- Latest
- Trending