Lalaki kinatay ng adik

Mistulang kinatay na hayop   ang isang 39-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ito ng patalikod ng isang lalaki na pinaniniwalaang sabog sa ipi­nagbabawal na gamot kahapon ng umaga sa Pasig City. Na­kilala ang nasawi na si Rico Castillo, ng Blk. 15, Santos Ma­lin­dinin, Kenneth Road, Nag­pa­yong, Brgy. Pinagbuhatan ng na­sabing lungsod. Pinagha­hanap na ng pulisya ang suspek na nakila­ la lamang sa alyas na “Flat­top” na kilalang adik sa shabu at kilabot na magna­nakaw sa lugar. Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng umaga habang naglalakad ang biktima malapit sa kanyang bahay nang big­lang lumitaw ang suspek na nanlilisik ang mga mata at armado ng patalim na kung saan patraydor na si­nakyod ng saksak ng ilang ulit ang biktima. Nang bumagsak na ang biktima ay itinihaya pa ito ng suspek at doon ay sunud-sunod pa rin itong pinagsasaksak. Ma­tapos ang pananaksak ay parang walang anumang luma­kad pa­palayo ang suspek bitbit pa ang ginamit na patalim. Nag­sa­sa­gawa na ng masusing imbesti­gasyon ang pulisya hinggil sa natu­rang pangyayari at sa aga­rang pag­kakadakip sa suspek upang pa­panagutin sa in­sidente. (Edwin Balasa)

Show comments