binunyag kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-aalok ng P20 milyon ng isang grupo para mapalaya ang isa sa tatlong mayayamang drug suspek na nadakip nitong Setyembre na nagpapakalat ng ecstacy sa mga concert at iba pang showbiz events. Hindi naman tinukoy ni PDEA Director General Santiago Jr. kung sino kina Richard Santos Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ramirez Tecson ang pilit na ginagapang ng posibleng mga kaanak o sindikato ng droga.
Una umanong tinangkang suhulan ng naturang malaking halaga ang buong PDEA-Special Enforcement Service ngunit tinanggihan ng pinuno nitong si Major Ferdinand Marcelino
Sinunod naman na suhulan si Department of Justice State Prosecutor John Resado ngunit nabigo rin kaya ginagapang naman ngayon ang korte. Nagbabala si Santiago na huwag nang magtaka ang publiko sa oras na mapalaya ang isa sa mga suspek.
Base sa rekord, nadakip sina Brodett at Joseph nitong Setyembre 21 sa Muntinlupa City habang nadakip naman si Ramirez sa Araneta Center, Cubao, Quezon City. (Danilo Garcia)