^

Metro

P20-M suhol sa PDEA mapalaya lamang ang mayayamang drug suspects

-

binunyag kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-aalok ng P20 milyon ng isang grupo para mapalaya ang isa sa tatlong mayayamang drug suspek na nadakip nitong Setyembre na nagpa­pakalat ng ecstacy sa mga concert at iba pang showbiz events. Hindi naman tinukoy ni PDEA Director General ­Santiago Jr. kung sino kina Richard Santos Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ramirez Tecson ang pilit na ginagapang ng posibleng mga kaanak o sindikato ng droga.

Una umanong tinangkang suhulan ng naturang ma­laking halaga ang buong PDEA-Special Enforcement Service ngunit tinanggihan ng pinuno nitong si Major Ferdinand Marcelino

 Sinunod naman na suhulan si Depart­ment of Justice State Prosecutor John Resado ngunit nabigo rin kaya ginagapang naman ngayon ang korte. Nagbabala si Santiago na huwag nang magtaka ang publiko sa oras na mapalaya ang isa sa mga suspek.

Base sa rekord, nadakip sina Brodett at Joseph nitong Setyembre 21 sa Muntinlupa City habang nadakip naman si Ramirez sa Araneta Center, Cubao, Quezon City. (Danilo Garcia)

ARANETA CENTER

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JORGE JORDANA JOSEPH

JOSEPH RAMIREZ TECSON

JUSTICE STATE PROSECUTOR JOHN RESADO

MAJOR FERDINAND MARCELINO

MUNTINLUPA CITY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with