^

Metro

P1 pang rollback sa petrolyo, ipinatupad

- Edwin Balasa, Angie dela Cruz -

Muli na namang sinor­presa ng mga kompanya ng langis ang motorista matapos ang panibagong P1 kada litrong rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo simula kahapon ng umaga.

Dakong alas-6 ng umaga kahapon ng umpisahan ng Shell, Petron at Eastern Petroleum ang rollback sa ka­nilang presyo ng diesel, kero­sene at gasoline na agad na sinundan ng Chevron at Total dakong alas-12 ng tanghali.

Ayon sa mga kompanya ng langis, ang panibagong pagbaba ng presyo ng ka­nilang produktong petrolyo ay bunsod na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan na ngayon ay pumapalo na lang sa $75 kada bariles.

Inaasahan naman na su­sunod ang iba pang kom­panya ng langis sa naunang ginawang rollback ng mga nasabing kompanya ng langis.

Samantala nagbaba rin ng P1 kada kilo ang presyo ng tindang liquefied petroleum gas (LPG) ng grupong LPG dahil sa pagbaba rin ng con­tact price nito sa world market.

Ayon kay LPGMA Pre­sident Arnel Ty, bumaba na sa $804 kada metriko tonelada ang contact price nito nga­yong buwan ng Oktubre, mas mababa ng $24 kumpara sa presyo nito noong buwan ng Setyembre na umabot pa sa $828 kada metriko tonelada.

Ang grupo ni Ty ang siyang dealer ng Pinnacle, Cat, Omni, Sula, Nation at Island Gas.

ARNEL TY

AYON

DAKONG

EASTERN PETROLEUM

INAASAHAN

ISLAND GAS

MULI

OKTUBRE

PETRON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with