Public school teachers hihilinging ilibre sa tax

Isang immediate resolution ang inihain kahapon sa Manila City Council ni 3rd District Coun­cilor Atty. Joel Chua na nagla­layong ilibre sa buwis ang lahat ng mga public school teachers mula elementarya hanggang high school sa buong bansa.

Ang naturang resolusyon ni Chua ay naka-address sa House of Congress at House of Senate upang agad na ma­aksyunan at maipagkaloob ang kaukulang benepisyo para sa mga guro.

Ayon kay Chua, sobrang liit na ng kinikita ng mga guro mula sa kanilang take-home pay na umaabot lamang ng mahigit sa P10,000 kada buwan. Gayun­man dahil sa tinatanggalan pa ito ng buwis ay halos P8,000 na lamang ang natitira sa mga ito.

Aniya, ang maliit na sahod ng mga guro ay isa sa mga da­hi­lan upang bumababa ang kalidad ng pagtuturo ng mga ito.

Iginiit ni Chua na ang isang gurong kuntento sa kanyang sinasahod nagbabalik din ng magandang uri ng pagtuturo dahil buo ang panahon niya sa mga estudyante.

Matatandaan na mayroon ng naunang panukala na ga­wing P18,000 ang basic pay ng mga guro mula sa public schools, subalit hanggang nga­yon ay nanatili itong walang kasa­gutan mula sa Kongreso at Senado. (Doris Franche)

Show comments