4 na holdaper utas

Patay ang apat na mga hol­daper na nagtangkang mang­holdap sa isang gasolinahan, habang isang pulis naman ang sugatan matapos ang naga­nap na engkuwentro kama­ka­lawa ng gabi sa lung­sod ng Navotas.

Isa sa mga nasawing sus­pect ay kinilala ng pulisya sa pa­­­ngalang Norman Lapid-Can­tones, isang ex-convict, ang isa naman ay nakilala lamang sa alyas Kawil, sa­man­talang ang dalawa pa ay ina­alam pa ang pagka­ka­kilanlan.

Sugatan sa naturang in­sidente si PO1 Roberto San­tillan, na nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Navotas City Police na kasalukuyang gina­gamot sa Tondo Medical Center (TMC).

Base report ng Station In­vestigation Division (SID) ng Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas- 11:20 ng gabi sa kahabaan ng Honorio Lopez St., Brgy. North Bay Blvd. South (NBBS) ng na­sabing lungsod.

Ayon sa ulat, unang naka­tanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa umano’y planong panghohol­dap ng mga suspek sa isang gasoline station sa naturang lugar.

Agad na nagtungo at nag­manman   ang mga ta­uhan ng Mobile Patrol Unit at Fol­low-Up Unit ng Navotas City Po­lice sa paligid ng Shell gasoline station nang mama­taan ang isang Kawasaki 125 tricycle na may plakang DZ-5022 na sina­sakyan ng mga nasawing suspect.

Pinapara ng mga pulis ang suspect na hu­minto naman pero sa paglapit pa lamang ng mga pulis ay umalingawngaw na ang putok ng baril na iki­natama ni Santillan.

Dahil dito, napilitan na ring gumanti ng putok ang iba pang pulis na ikinasawi naman ng apat na holdaper.

Agad na isinugod sa na­banggit na pagamutan ang apat na pinaghihinalaang hol­daper ngunit hindi na rin uma­bot ng buhay ang mga ito ha­bang ang pulis na si Santillan ay patuloy na inoobserbahan ng mga mang­gagamot.

Nakuha sa mga suspect ang dalawang kalibre .38 baril at isang balisong ,habang ang suspek na si Cantones ay na­pag-alamang kalalaya pa lamang mula sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Samantala, itinanggi ng mga kamag-anak ng holdaper ang mga nasawi kasabay nang pagsasabing nagkaya­yaan lamang na mag-inuman ang mga ito.

Show comments