Streetsweeper nagbigti

Dahil sa nararanasang depresyon dulot ng hirap ng buhay, nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbi­bigti ang isang babaeng street sweeper sa loob ng bahay nito kamakalawa sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Araceli Car­ibo, 38, dalaga, tubong Leyte at residente ng Block 13, Poncentia street, Gra­velpit, Brgy. Payatas, ng naturang lungsod. Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng hapon nang madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanyang bahay.

Nadiskubre ang bang­kay ng kanyang kasam­bahay na si Jordan Tingal na nakasabit sa bubungan gamit ang isang nylon cord na nakapulupot sa kan­yang leeg. Isang sulat rin na hinihinalang ginawa ni Caribo bago ang pag­papatiwakal ang na­tag­puan kung saan idina­daing nito ang nararana­sang hirap sa buhay.

Isasailalim sa    awtop­siya ang   bangkay ng bik­tima para mabatid na walang   foul play sa pagka­matay nito. (Danilo Garcia)

Show comments