^

Metro

Bank executive biktima ng 'Basag Kotse' gang sa loob ng kampo

-

Binatikos ng isang executive vice president ng isang banko ang kawalan ng seguridad sa loob mismo ng military camp nang pagnakawan ang kanyang naka­paradang kotse ng mga hinihina­lang “Basag Kotse” gang sa Pasay City.

Ayon sa reklamo ni Wilfredo Maldia, 60, executive vice president ng Land Bank of the Philippines, residente ng Mala­bon City, dakong alas-6:30 ng umaga nang iparada niya sa parking lot ng Villamor Airbase Golf Club ang kanyang kulay puting Mitsubishi para maglaro ng nasa­bing sport.

Una umano siya nag­tu­ngo sa registration area para makapagbayad sa paglalaro at iniwanan sa loob ng kotse ang lahat ng kanyang kagamitan.

Matapos ang pagla­laro, dakong alas-11:30 ng umaga nang balikan uma­no niya ang kanyang kotse sa Villamor Airbase parking lot kung saan natuk­lasan niyang basag na ang kanang bahagi ng kanyang kotse at nawa­wala ang kanyang lap top, alahas, baril na .9mm pistol at portable play station na uma­abot sa kabuuang hala­gang P145,000. Dismayado umano si Maldia dahil maging sa loob ng Airbase ay hindi ligtas sa mga hinihinalang “Basag Kotse” gang ang mga pumaparada rito. (Rose Tamayo-Tesoro)

AIRBASE

AYON

BASAG KOTSE

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

VILLAMOR AIRBASE

VILLAMOR AIRBASE GOLF CLUB

WILFREDO MALDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with