Presyo ng LPG bababa hanggang Disyembre

Dahil sa patuloy na pagbaba ng contact price sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa pandaigdigang pamilihan ay inaasahan na magka­karoon ng sunod-sunod na rollback ang presyo nito sa lokal na pamilihan hanggang Disyembre.

Ito ang pahayag ka­hapon ni LPG Marketers Association President Arnel Ty, kasabay ng pag-anunsyo na muli nilang iro-rollback ang presyo ng nasabing produkto nga­yong darating na weekend.

Ayon kay Ty, sigurado na kanilang ibababa ang presyo ng tindang LPG subalit hindi muna nito inanunsyo kung magkano ang kanilang ibabawas kada kilo.

Dagdag pa nito na inaasahan na ang trend ng pagbaba sa contact price ng LPG sa pandaig­digang pamilihan hang­gang sa buwan ng Dis­yem­bre kaya asahan na umano na patuloy ang pagbaba ng presyo nito hanggang sumapit ang Pasko.

Show comments