Binata todas sa 'thrill killer'

Pinag-iingat ng pulisya ang mga residente sa lungsod ng Marikina sa umanoy gumaga­lang thrill killer matapos na mabiktima ang isang lalaking 19-anyos na binata na pinagsa­saksak sa harapan ng tinitir­hang bahay ng huli kahapon ng madaling araw sa Brgy. Fortune ng nasabing lungsod.

Sampung saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang iki­na­matay ng biktimang si Mark Garret Jaba, 19, residente ng Angelina Santos Compound, Printing Village Brgy. Fortune ng nasabing lungsod. Kasalukuyan namang pi­nag­hahanp ang hindi pa kila­lang sus­ pek na ayon sa dala­wang kalalakihang testigo ay tinata­yang nasa edad 25 hang­gang 30-anyos, 5’2’’ ang taas, maitim at katamtaman ang panga­ngatawan.

Ayon kay Chief Insp. Earl Castillo, hepe ng Criminal In­ves­tigation Division ng Marikina police, naganap ang pana­naksak dakong alas-12:10 ng ma­daling-araw sa harapan ng nasabing compound kung saan nakatira ng biktima. 

Nabatid na umalis na upang umuwi ang biktima mula sa pano­nood ng paglalaro ng chess sa dalawang testigo subalit hindi pa ito masyadong nakakalayo ay bigla na lang itong hinarang ng suspek at walang sabi-sabing pinagsa­saksak.

Sa kabiglaan ay hindi naman nagawang tulungan ng dalawang lalaki ang biktima. Mabilis na lumayo ang suspect matapos ang insidente.

Saka lang nakakilos ang dalawang naglalaro ng chess ng makitang malayo na ang suspek saka mabilis na humingi ng tulong upang dalhin sa paga­mutan ang biktima subalit na­sawi na rin ito dahil sa dami ng inabot na saksak sa katawan. (Edwin Balasa)

Show comments