Isang 28-anyos na mensaherong si Jeffrey Marizeta ang pinagtulungang saksakin hanggang mapatay ng isang grupo ng nag-iinumang kalalakihan na natitigan niya sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling-araw.
Nadakip naman ang ilang suspek na sina Cesar Gomez, 24, binata, negosyante at Jim Bryan Honorato, 19, estudyante, kapwa residente sa naturang lugar.
Nagsimula ang insidente nang mapatingin ang grupo ni Marizeta sa grupo ng mga suspek hanggang kantyawan ng huli ang una.
Napikon ang mga suspek sa titig sa kanila nina Marizeta hanggang saksakin nila ito. (Ludy Bermudo)