Marijuana at shabu sa city jail

Daan-daang pakete ng marijuana at shabu ang nakumpiska ng mga ta­uhan ng Quezon City Jail matapos magsagawa ng sorpresang inspeksyon ang bagong jail warden nito kahapon.

Inutos ni Supt. Emilio Culang Jr. ang pagsasa­gawa ng “Operation Greyhound” na, rito, mahigit sa 200 pakete ng iligal na droga ang nakumpiska sa mga higaan at katawan ng mga bilanggo sa iilang selda pa lamang na kani­lang nainspeksyon.

Nakumpiska rin ang iba’t ibang mapanganib na mga armas, patalim, at 70 unit ng cellphone na ma­aaring gamit ng mga bilanggo sa kanilang iligal na transaksyon.

Inaasahan naman ng pa­munuan ng QCJ na ta­taas pa ang bilang ng mga nakukumpiskang iligal na droga at mga patalim sa pagsuyod nila sa lahat ng mga selda. (Danilo Garcia)

Show comments