^

Metro

Lola todas sa ligaw na bala

- Ni Ludy Bermudo -

Ligaw na bala ng sumpak ang tumapos sa buhay ng isang 70 anyos na lola nang magwala ang isang 40 anyos na lalaking naburyong matapos pagtulu­ngan ng mga kaaway sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Boni­facio Hospital ang biktimang si Patricia Casimiro, may-asawa, ng Unit 105 Bagong Lipunan Condominium II, Rawis compound, Tondo matapos tamaan ng bala sa dibdib.

Sugatan at nakaratay sa nasabing ospital naman ang tatlo pang biktimang sina Manolo Solidium, 49, may-asawa, Bgy Ex-O , residente ng 274 San Roque St ., Tondo; Nestor Acbangin, 41, salesman ng Block 2 Lot 10, Chesa St., Tondo at Monica Quirabo, 61, may-asawa, ng Block 2 Lot 7, Tondo.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Rommel Sumera, 40, may-asawa ng 26 Tambis St ., Chesa, Bo. Magsaysay Tondo.

Sa ulat ni Det Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Chesa at Tambis Sts..

Bago ang pag-amok ng suspek, sinuntok nito ang matandang si Quirabo sa mukha kaya sinaklolohan umano nina Jeffrey Quirabo at Richard Medina. Bugbog sarado umano ang suspek nang awatin ng mga opisyal ng barangay sa lugar.

Ilang minuto pa lamang ang nakaraan, biglang gumanti ang suspek na armado ng sumpak at itak at walang habas na namaril kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Casimiro na nakaupo sa harapan ng tindahan nito nang mga oras na iyon.

Gayundin si Acbangin na nasapul din ng bala ng sumpak dahil katabi ito sa upuan ni Casimiro na nagtangkang sumaklolo sa una.

Matapos magpaputok ay nagtangkang tumakas ng suspek subalit nasukol din kaagad ng rumes­pondeng mga tauhan ng Manila Police District-station 1.

BAGONG LIPUNAN CONDOMINIUM

BGY EX-O

CASIMIRO

CHESA

CHESA ST.

DET JOSEPH KABIGTING

GAT ANDRES BONI

JEFFREY QUIRABO

MAGSAYSAY TONDO

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with