^

Metro

Hinayjack na mga posporo nabawi

-

Umaabot sa 352 ka­hon na bahagi ng P630,000 hinay­jack na container van na nagla­laman ng bulto ng mga posporo na pag-aari ng Philippine Match Com­pany (Phimco) ang nare­kober ng PNP High­way Patrol Group (PNP-HPG) Task Force Lim­ bas at Anti-Hijacking Division sa bo­dega ng isang super­market sa Quezon City.

Ayon sa ulat, ang na­sabing 352 kahon ng mga posporo ay kabilang sa ka­buuang 450 kahon ng pos­poro na iniulat ni Mr. Roberto Reyes ng Phimco na na-hijack kamakailan.

Bandang alas-11:45 ng tanghali kamakalawa nang salakayin ng mga opera­tiba ng Task Force Limbas ang bodega #1 ng Wel­come Super­market na pag-aari ni Mr. George Cua na matatag­puan sa #13 N. Ramirez St. Brgy. Don Manuel, Quezon City.

Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Jose Pa­neda ng Branch 220 ng Re­gional Trial Court ng Quezon City.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad na sa na­sabing lugar mata­tag­puan ang hi­nayjack na bultu-bulto ng mga ka­hon ng posporo ng Phimco.

Narekober ang 352 kahon ng posporo na nag­kakahalaga ng P492,800 kung saan wala sa bo­dega ang may-ari ng super­market at ta­nging kamag-anak saka staff nito ang su­maksi sa operasyon.

Ang nasabing mga produkto ay may mga code numbers pa ay naka­­silid sa 352 karton na tu­mugma sa mga doku­mento ng nag­re­reklamong si Mr. Reyes. (Joy Cantos)

ANTI-HIJACKING DIVISION

DON MANUEL

JOY CANTOS

JUDGE JOSE PA

MR. GEORGE CUA

MR. REYES

PHIMCO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with