^

Metro

Magulang ikukulong sa sala ng anak

-

Isang ordinansa ang kasalukuyang pinag-aaralang isulong ni Acting Manila Mayor Francisco Moreno kung saan ang magulang ang ikukulong sakaling masangkot ang kanilang mga menor de edad na anak sa anumang mga krimen.

Ayon kay Moreno,ang kanyang balakin ay bunga na rin ng nakaaalarmang pagtaas ng bilang ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Aniya, ang planong ordinansa na “Ang Res­ponsible Parenthood” ay naglalayong paigtingin ang pagiging res­pon­sable ng mga magulang sa pangangailangan at panga­ngalaga  ng kanilang mga anak.

Kadalasang nangyayari na ginagamit ang mga menor-de-edad sa iba’t ibang krimen ng mga sindikato dahil hindi naman maaaring kasuhan at ikulong ang mga ito bagama’t ikinokustodiya ng sangay ng pamahalaan.

Nakalulungkot lamang umano ay agad ding napa­palaya ang mga ito dahil na rin sa pagiging menor- de-edad.

Ayon kay Moreno sa planong ordinansa, kailangan na imonitor ng mga magulang ang kilos at galaw ng ka­nilang mga anak upang maiwasan na masangkot sa anumang krimen dahil sila ang ikukulong bilang kapalit.

Sakaling maisakatuparan ito, naniniwala si Moreno na mababawasan ang krimen na kinasa­sangkutan ng mga menor-de-edad at mababawasan na rin ang mga gang war sa lungsod. (Doris Franche)

ACTING MANILA MAYOR

ANG RES

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

FRANCISCO MORENO

MORENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with