^

Metro

Australian national biktima ng 'kotong' na money changer

-

Sa kabila ng pagpapasara ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ng may 29 na money changer sa Maynila, isa na namang Australian national ang na­biktima ng shortchanged o ‘kotong’ ng isang ‘fly-by-night’ money changer, na hindi rin nahuli ang mga suspect ma­tapos magsipagtago bago pa dumating ang mga pulis, sa Ermita, Maynila, nabatid kahapon.

Inireklamo ng biktimang si Najmaddin Omar Baban, may asawang Pinay at residente ng 1st Avenue, Murphy, Cubao, Quezon City ang panloloko sa kanya ng P14,000 matapos na magpa­palit ng dolyares.

Sa reklamo sa Manila Police District-Station 5, nag­papalit ng 500 Australian dollars si Baban sa isang walang pangalang money changer sa Adriatico st., sa Ermita at sa inaakalang P19,900 ay P5,900. lamang ang nakuha nang kanyang muling bilangin.

Mabilis na isinuplong sa pulisya ang insidente subalit walang naabutang suspect sa money changer shop nang tunguhin. (Ludy Bermudo)

ADRIATICO

BABAN

CUBAO

ERMITA

LUDY BERMUDO

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NAJMADDIN OMAR BABAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with