^

Metro

Pinas dinadagsa pa rin ng turista

-

Sa kabila ng krisis pang pinansyal sa buong mundo, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga dayuhan sa bansa noong buwan ng Setyembre kumpara ng kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Marcelino Libanan, may kabu­uang 384,948 na dayuhan ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang daungan sa bansa noong nakaraang buwan kum­para sa 356,760 na bumisita sa Pilipinas noong Setyembre 2007.

Iginiit ni Libanan na ang pagdagsa ng mga dayuhan sa ating bansa ay nanga­ngahu­lugan lang na nakakaengganyo pa rin sa turismo at investor ang Pilipinas sa kabila ng krisis pi­nan­siyal sa buong mundo.

Nangangahulugan umano ito na makakatulong ang mga turista at investor sa ekono­ miya ng Pilipinas.

Nilinaw din ni Libanan na ang 11 porsiyento ang ibinaba ng mga dayuhan na umaalis ng bansa ng buwan ng Setyem­bre. Umaabot umano sa 421,208 mga dayuhan ang umalis ng nasabing buwan kumpara sa 471,638 noong nakaraang taon.

May kabuuan din umanong 4.3 milyon dayuhan ang duma­ting sa bansa simula noong Enero hanggang Setyembre kung saan walong porsiyento itinaas kumpara sa unang siyam na buwan ng taong 2007.

Ayon kay BI immigration re­gulation chief Gary Mendoza na ang mga Amerikano na may ka­buuang 524,339 ang siyang pa­ngunahin sa listahan na mga da­yuhan dumating sa bansa, su­­munod dito ang Koreano, 479,830 at mga Japanese, 293,965. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

GARY MENDOZA

GEMMA AMARGO-GARCIA

LIBANAN

PILIPINAS

SETYEMBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with