^

Metro

29 pang bilanggo napalaya ng "Justice on Wheels"

-

May 29 na bilanggo ang napalaya sa Caloocan City Jail ng programa ng Korte Suprema na “Justice on Wheels” sa patuloy na programa para mapalu­wag ang mga mala-sardi­nas na kulungan sa Metro Manila.

Sinabi ni CCJ warden Supt. Lyndon Torres na mismong si Chief Justice Reynato Puno ang nama­hala sa pagdinig sa mga matagal nang nakabinbin na kaso ng mga bilanggo. Mismong mga municipal at regional judges ang nag­sagawa ng mga pagdinig sakay ng mobile courts ng Korte Suprema.

Ayon kay Torres, na­pag­silbihan na ng mga na­palayang mga bilanggo ang jail term na kinaka­harap nilang kaso na hindi pa nabibigyan ng hatol.

Umaabot na sa 64 mga bilanggo ang napalaya ng mobile courts sa CCJ. Una nang nakapagpalaya ng 35 preso ang Korte Suprema noong Agosto.

Patuloy namang pina­sa­lamatan ni BJMP chief, Director Rosendo Dial ang Korte Suprema sa pagtu­long sa kanila na mapa­luwag ang mga kulungan sa Metro Manila. 

Umaabot sa 20,892 ang kabuuang bilang ng mga bilanggo sa Metro Manila na lagpas sa kapa­sidad ng mga kulungan na kaya lamang mag-okupa ng 5,820 bilanggo. Kara­mihan umano sa mga bi­langgo ay *overstaying* na dahil sa napagdusahan na ang kanilang mga kasala­nan habang hindi na nadi­dinig ang kanilang kaso sa korte. (Danilo Garcia)

CALOOCAN CITY JAIL

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

DANILO GARCIA

DIRECTOR ROSENDO DIAL

KORTE SUPREMA

LYNDON TORRES

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with